Ariel Inton

Apela ng mga pasahero: Public transport ituloy kahit lockdown

July 31, 2021 Jun I. Legaspi 639 views

MARIING nanawagan ang isang malaking commuter at transport group sa mga otoridadna huwag suspindihin ang operation ng public transportation kahit ano man ang quarantine status sa bansa.

Sa isang interview, ipinaliwanag ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers or Commuters Safety and Protection (LCSP) na ang public transportation (bus,taxi,jeep, TNVS, van, motorcycle taxi, tricycle at truck) ay itinuring na essential industry na hindi dapat suspindihin ngayong lockdown.

Ayon kay Inton, kitang-kita sa nakalipas na mga buwan at taon na ang public transportation ay kailangang-kailangan para sa mobility ng mga pinapayagang lumabas gaya ng mga frontliners, medical personnel at authorized persons outside residence (APOR).

“Kaya sang-ayon ang LCSP sa pronouncement ng Management Associations of the Philippines, huwag suspindihin ang public transportation kahit ano man quarantine status ang level natin,” aniya.

Binigyang halaga rin ni Inton ang sinabi ni Rep. Sharon Garin, chairperson ng House Economic Affairs Committee na “the Philippine economy lost about P21 billion a month (conservative estimate)” dahi, sa crisis.

“Ang public transportation ang No. 1 sa listahan kapag lalabas ng bahay gaya ng pagbili ng mga essential goods gaya ng pagkain at gamot sa mga panahon ng emergency, pagpunta sa mga doctors o ospital,” saad pa ni Inton.

“Kailangan din ang masasakyan ng mga magpapa-vaccine lalo nat na at naka schedule na ang mga ito. Hindi kailangan na total suspension ng public transport. Kailangan ay payagan depende sa mapagkakasunduan ng pamahalaan tungkol sa reduced capacity at health protocols na dapat ipatupad,” dagdag ni Inton.

Bagamat handa ang karamihan na sundin angdesisyon ng Inter-Agency Task fOrce (IATF) pinakiusap ng LCSP na sana malanan din ng publiko ang pinagbasehan na mga polisiyang ipatutupad.

“Paano narating ang ganoing desisyon. Kamakailan lamang sinabi ng Department of Health (DOH) na walang lockdown pero matapos ang dalawang araw ay iba na ang posisyon. Kailangan din naman malaman ng tao ang basehan at hindi yun sunudsunuran na lang. May mga experto rin kasi na iba ang pananaw at maari rin nanan na makatulong. Sana kung mamarapatin ay ma-cover ng media ang aktual na pagpupulong ng IATF para malaman ng tao ang pinagusapan. Dahil mga tao ang magiging apektado ng desisyon nila. Sana sa pagtatapos ng ECQ Season 3 ay may ibunga namang maganda ang pagtitiis ng tao,” diin ni Inton.

AUTHOR PROFILE