Antipolo naparangalan ng Good Financial Housekeeping sa ika-9 na sunod na taon

January 15, 2022 People's Tonight 190 views

SA IKA-SIYAM na sunod na pagkakataon ay muling pinarangalan ang Lungsod ng Antipolo ng Seal of Good Financial Housekeeping ng Interior and Local Government.

Nangangahulugan nito ay maayos na nakokolekta at nagagamit ang pondo ng bayan para matiyak na walang anumang bahid ng korapsyon.

Sinabi ni Mayora Andrea “Andeng” Ynares na mahalaga ang naturang parangal sa panahonng pandemya kung saan ipinakita na ang city government ay patuloy ang trabaho kahit may banta ng COVID-19, at tinitiyak na ang buwis na ibinabayad ay nagagamit ng tama, ayos at sapat.

“Muling pinatunayan ng ating Lokal na Pamahalaan nitong taong 2021 na maayos ang pag gamit natin at tama ang mga pinaglalaanan ng public funds sa ika-9 na sunod-sunod na taon, simula ng termino ni dating mayor Jun, taong 2013,” sinabi ni Mayoa Andeng patungkol sa kanyang asawa na si dating Mayor Jun Ynares.

Itinatag noong 2010 ng DILG, binuo nito ang Seal of Good Housekeeping, na siyang sumusukat sa financial transparency at binuhay ang public reporting ng budget at expenditure ng local governments.

Nangangahulugan na ang Good Housekeeping sa mga local governments ay pumasa sa reporting guidelines na sinukat ng Commission of Audit, at nagdeklara ng financial reports online at sa pampublikong lugar sa komunidad sa ilalim ng Full Disclosure Policy.

“Dahil sa maayos na pamamalakad, taon-taon po tayong napapabilang sa programa na pamahalaang national kung saan nabibigyan tayo ng karagdagang pondo bilang incentive o premyo para maipang dagdag sa ating local funds na pwedeng gamitin sa iba pang mga programa,” sinabi ni Mayora Andeng.

AUTHOR PROFILE