Default Thumbnail

Anti-Cyberbullying against children inihain ng OFW Partylist

December 21, 2023 Marlon Purification 149 views

Marlon PurificationINIHAIN ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang House Bill 9771 o ‘Anti-Cyberbullying Against Children Act’.

Layon nito na tugunan ang tumataas na kaso ng cyberbullying lalo na sa mga kabataan.

Ani Congresswoman Magsino, kailangan na ng lehislasyon upang masolusyunan ang hate speech at protektahan ang mga kabataan mula sa epekto ng cyberbullying na kadalasan ay nauuwi pa sa depression, low self-esteem, behavioral issues, at problema sa academics.

“Bullying, in general, can have physical and psychological effects on our children. However, cyberbullying may be particularly damaging because unlike traditional bullying — which is often limited to schools and known bullies — cyberbullying can occur at any time and be perpetrated by anonymous sources. This makes it more relentless, and often more ruthless, as well as difficult to complain about, especially for children.” sabi ni Magsino

Nilalatag sa panukala ang mga pamamaraan ng bullying na papatawan ng parusa gaya ng pagkakalat ng kasinungalingan, paninira, impersonation, at iba pang nakakasira sa psychological well-being ng bata.

Kabilang sa panukalang parusa ang kulong o multa depende sa desisyon ng korte.

Sa ganang akin, magandang panukala ito. Ramdam natin sa panukala ni Cong Magsino ang pagiging ina na tulad ng mga magulang ay nasasaktan sila sa tuwing nabu-bully ang anak, online man o hindi!

Natatandaan ko na may panukala rin si Cong Marissa patungkol naman sa libreng pagpapagamot sa mga batang may autisim o special needs.

Sana, ang mga ganitong uri ng panukala ay umani ng suporta sa mayorya ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.