Anne Larawan mula sa IG/@annecurtissmith

Anne Curtis magkaka-wax figure na sa Madame Tussauds Hong Kong

December 1, 2023 People's Tonight 116 views

IBANG level na ang narating ng kasikatan ng aktres na si Anne Curtis dahil magkakaroon na siya ng sariling wax figure sa tanyag na wax museum sa Hong Kong.

Inanunsyo ni Anne sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Disyembre 1 ang balitang bubuuin na ang kanyang wax figure at mapapabilang sa atraksyong maaaring makita sa Madame Tussauds Hong Kong.

Sey ng aktres ay hindi raw siya makapaniwala sa proyektong ito at inaming dream come true ang mapabilang sa nasabing wax museum.

“I cannot believe this is happening. So thrilled to share that I will be joining @madametussaudshongkong,” pahayag ni Anne sa caption ng kanyang post.

“Just in case hindi kayo makauwi sa birthday ko. Ito na. Kidding. Hahaha! Stay tuned! Another dream ANNE-locked!” hirit pa ng “It’s Showtime” host.

Ang Madame Tussauds Wax Museum sa Hong Kong ay isang indoor attraction kung saan maaaring makita ng malapitan ang mga realistic-looking wax figures ng mga kilalang singers, actors, at famous icons mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Maaaring mabisita ang nasabing museo sa Peak Tower sa Hong Kong Island.

Bukod kay Anne, ilan pa sa mga Filipino na mayroon nang wax figures sa Madame Tussauds Hong Kong ay ang mga Miss Universe beauty queens na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Pinusuan at inulan naman ng pagbati mula sa netizens at kapwa personalities ang nasabing achievement ng Multimedia star.

“Ibang level na to kambal!! Sooooo happy for you!” saad ng aktres na si Angelica Panganiban.

“Yesss!! Congratulations!!” pagbati naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

“Wow! Congrats Anne!” komento ng celebrity mom na si Pauleen Luna.

AUTHOR PROFILE