Daniel Larawan mula sa IG/@dandanmatsunaga at @bernardokath

Daniel Matsunaga kinuyog, dinawit sa KathNiel breakup

December 1, 2023 People's Tonight 215 views

PINUTAKTE ng personal messages mula sa netizens ang Brapanese model-actor na si Daniel Matsunaga matapos madawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang naging dahilan ng pagkakasangkot ng model-actor sa breakup ng KathNiel ay hindi dahil siya ang itinuturong third party kundi dahil magkatukayo sila ng naging nobyo ni Kathryn.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Daniel ang screenshots ng kanyang messenger kung saan bumaha ng mga personal messages mula sa netizens.

Ang laman ng mga mensahe ay may kinalaman sa hiwalayan ng kanyang kapangalan at sa ‘A Very Good Girl’ actress.

Samantala, idinaan na lamang sa biro ni Daniel ang pakulo ng netizens sa kanyang pangalan.

“Guys there are many Daniels sa buong mundo,” sey ng model-actor sa caption ng kanyang post.

“Iba po yun surname ko talaga promise,” hirit pa niya.

Sa kanya ring IG stories ay nag-post si Daniel at sinabing “Guys [plesase] iba po [yung] surname ko. Maraming Daniel sa mundo. Salamat po.”

Matatandaang nitong gabi ng Huwebes, Nobyembre 30, ay halos magkasabay na naglabas ng statements ang KathNiel kung saan kinumpirma nila parehong tapos na ang kanilang 11-taong relasyon.

Kinaaliwan naman ng netizens at maging ilang celebrities ang post ni Daniel.

“Hahah i feel you brooooo gahahahah till this day i have to deal with DENNIECE CORNEJO AND FOODS SA CONDO.. and bakit ko inaaway si kuya vhong,” wika ng aktres na si Denise Laurel.

“Inosente po Si Daniel MATSUNAGA guys, wag nyong lahatin ang mga Daniel,” sey pa ng isang netizen.

AUTHOR PROFILE