Hernandez Ibinibigay ni Laguna Gov. Ramil Hernandez ang idaraos ng 2024 Anilag Festival habang nakikinig si Rep. Ruth Hernandez at tourism officer at Provincial administrator Atty. Rabanal sa isinagawang press conference sa satellite office sa Calamba City, Laguna, nitong Martes. Kuha ni GIL AMAN

Anilag Festival 2024: Tuloy-tuloy ang saya, tara na sa Laguna!

March 6, 2024 Gil Aman 131 views

INAASAHANG magiging engrande ang idaraos na Anilag Festival 2024 sa Marso 10-17 na may temang “Tuloy tuloy ang saya, Tara na sa Laguna”.

Ito ang sinabi ni Laguna Governor Ramil Hernandez sa press conference na idinaos noong Martes.

Idinagdag ni Hernandez na layunan ng festival na makaakit ng mga mamumuhunan at makapagbigay ng mas maayos na buhay sa bawat Lagunense.

Nakasentro din ang 2024 Anilag Festival upang maiangat ang turismo sa lalawigan kung saan inilunsad ni Cong. Ruth Hernandez ang “Love Laguna” na tumatayong tagapangulo.

Kabilang sa mga kumpetisyon sa 2024 Anilag Festival ang Land Float, Street Dancing \, Cheer Dance, Landscape, at Trade Fair Exhibit na lalahukan ng mga local government units upang maipakita ang tradisyon kultura at mga ipinagmamalaking produkto ng kanilang bayan.

Sinabi rin Gov.Hernandez na may 500 PNP personnel gayundin ang Laguna Traffic Management Office ang kanilang katuwang sa kaayusan at katahimikan na magbabantay sa pagdaraos upang maging ligtas ang lokal at foreign tourists na makikiisa sa naturang festival.

Kasama din sa pagdaraos ang mga pangkultura tulad ng Sayaw sa Laguna Anilag arts and music festival with hot air balloon exhibition, the Voice. of Laguna, Himig Laguna Songwriting competition ang mga patimpalak gaya ng Mr. and Mrs. Laguna, pinakamagandang Lola at thats My Lolo at Ginoo at Binibining Laguna.

Idaraos din ang mga aktibidades ng Laguna Events Supplier Wedding Expo, Tattoo Arts Competition, Sagala ng Disenyo at Kultura, Hair and Make Up Competition,Fruits and Carving Competition,Hapag -kainan culinary feast, Halina’t Mamiesta, Fistahan sa Laguna at ang Furry Run para sa may alagang hayop.

Kasabay din sa mga programa para sa LGBTQ – community tulad ng Laguna Gay Queen and Lesbian King, natatanging LGBT ng Laguna para sa pantay na pagtingin ng pamahalaang panlalawigan.

Ang walong araw na pagdiriwang anya ang magiging instrumento sa lalong pagsulong ng lipunan at magiging daan sa pag-angat ng ekonomiya at mananatiling sagisag ng kadakilaan ng Laguna.

AUTHOR PROFILE