Angelica

Angelica may madamdaming pa-tribute kay Glaiza

April 24, 2024 Vinia Vivar 129 views

Hindi nakalimutang bigyan ni Angelica Panganiban ng pa-tribute ang kanyang best friend na si Glaiza de Castro na siyang naging matron of honor sa kasal nila ni Gregg Homan sa Siargao kamakailan.

Sa Instagram ay binigyang-pugay ni Angelica si Glaiza at ang friendship nila na malayo na ang narating mula pa noong mga dalaga sila hanggang sa ngayong may asawa na sila.

“Appreciation post para kay matron of honor @glaizaredux Simple lang ‘to promise.

“Kung noon, hinahatid lang natin ang isa’t isa sa mga bahay natin habang natatakot tayo sa mga magulang natin kung papagalitan ba tayo. Ngayon, nahatid na natin ang isa’t isa sa altar,” bahagi ng madamdaming post ni Angelica.

“Binigyan mo ng napaka taas na standard ang pagiging bestfriend. Paulit ulit kitang pipiliin maging pinaka matalik na kaibigan saan mang universe tayo dalhin. Mahal kita bataaah,” mensahe pa niya sa kaibigan.

Mahigit dalawang dekada na rin ang friendship nina Angelica at Glaize na nagsimula nang gawin nila ang TV series na “Berks” ng ABS-CBN noong 2002.

Kahit nagkahiwalay na sila ng network dahil si Glaiza ay napunta na ng GMA-7 habang si Angelica naman ay nanatlli sa ABS-CBN, patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon at pinatunayan nila na hindi hadlang ang network war sa kanilang pagkakaibigan.

AUTHOR PROFILE