Julia

JoshLia excited gawin ang reunion movie

April 24, 2024 Ian F. Fariñas 97 views

Julia1Patunay ang dating magkasintahan na sina Joshua Garcia at Julia Barretto na pwedeng magkatrabaho ang mga pusong dating nagmahal dahil muli silang magtatambal para sa pelikula ng Star Cinema at Viva Films na “Un/Happy For You” ngayong 2024.

Sa bagong movie alert na inilabas ng Star Cinema, sinabi nina Joshua at Julia na pareho silang excited na magkatrabaho muli dahil pareho na silang nag-mature.

“At some point, you know, when a good material comes along with a great team, it is such an exciting idea. It is already the right time. We are both in a good place in our lives,” ani Julia.

Dagdag pa niya habang nakatingin kay Joshua, “I am happy na magtatrabaho tayo ulit.”

Ibinahagi rin ni Julia na pagkatapos ng kanilang reunion ni Joshua sa “Paubaya” music video ni Moira dela Torre, nakatanggap sila ng offers na muling pagsamahin ni Joshua sa isang proyekto.

Ayon naman kay Joshua, agad siyang sumang-ayon na gawin ang pelikula.

“Noong nalaman ko ang project, sabi ko yes agad kasi ang tagal na rin ng agwat noong panahon na nag-work kami. Before kasi, mga teenager pa kami. Ngayon I can say na medyo nag-mature na rin kami. Ang exciting lang na may kanya-kanya kaming journey at magbabalikan kami sa pelikula.”

Sabi ng mga manunulat ng pelikula na sina Kookai Labayen, Crystal San Miguel at Jen Chuaunsu, hindi tipikal na kuwento tungkol sa mga mag-ex ang “Un/Happy For You,” kundi isa itong kuwento na malapit sa mga pusong nagmahal at nasaktan. Umaasa rin sina Kookai, Crystal at Jen na mas magiging makatotohanan ang kwento dahil sa magiging papel nina Joshua at Julia.

“‘Di ba sinasabi natin sa isang tao na ‘I’m happy for you,’ pero sa totoong buhay, kung hindi tayo magpapaka-mature at magpapakatotoo tayo, sometimes unhappy din naman tayo sa mga taong nanakit sa atin or sa mga taong may atraso sa atin. Doon nangagaling ‘yung title. Kaya naka-slash ‘yung ‘un’ kasi pwede rin namang happy ka sa taong ‘yun,” ani Kookai.

Samantala, isang karangalan para kay Petersen Vargas na mapiling direktor ng JoshLia reunion movie.

“I am privileged enough to put my own stamp on a JoshLia film just because I have seen all their films together. When they offered to make a JoshLia movie, the inspiration was just overflowing. As their viewer over the years, I feel like this film that we are going to release is the film that I want to see the both of them to be making this year. Kumbaga as an audience, ito ‘yung gusto kong papanooring Joshlia.”

Huwag palampasin ang movie comeback nina Joshua Garcia at Julia sa “Un/Happy For You” na ipapalabas sa mga sinehan ngayong taon.

AUTHOR PROFILE