Coleen

Billy na-miss ang wedding anniversary nila ni Coleen

April 24, 2024 Vinia Vivar 119 views

Miss na miss na ni Billy Crawford ang misis na si Coleen Garcia at ang anak nilang si Amari.

Dalawang linggo na rin kasing may trabaho sa France si Billy habang ang mag-ina naman niya ay nasa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram account ay sinabi ni Billy na napakahirap malayo sa pamilya at humingi ng sorry kay Coleen na wala siya sa kanilang wedding anniversary kamakailan.

“I’m counting my sleep cause I miss you so much. 😢 It’s so hard being away from family. And to my wife, I’m so sorry I wasn’t there for our anniversary but I want to thank you for always supporting me and letting me hustle the way I hustle.

“I can’t wait to be in your arms and play with our little munchkin hehe,” pahayag ni Billy.

Looking forward na ang singer/dancer/TV host sa kanyang pag-uwi ng bansa na aniya ay malapit na.

“A few more days and I’m back. Stay safe everyone cause the 🌎 becoming crazier and crazier by the day,” pagtatapos ni Billy.

AUTHOR PROFILE