Jinkee

Pinoy fans ng Korean stars inggit kay Jinkee

April 24, 2024 Vinia Vivar 137 views

Kinaiinggitan ngayon ng Korean star fanatics si Jinkee Pacquiao dahil sa kanyang mga ipinost na larawan kasama ang bigating South Korean stars na sina Lee Seung Gi, Ma Dong Seok at Nancy McDonnie.

Kasama si Jinkee ng mister na si Manny Pacquiao sa South Korea dahil naimbitahan sila sa boxing club na pag-aari ng renowned Korean actor na si Ma Dong Seok.

Mapapanood sa isang video na ipinost ni Jinkee na pumipirma si Manny sa wall ng boxing club ni Ma Dong Seok.

Tuwang-tuwa naman ang Korean actor habang isinasabit niya sa kanyang gym ang frame na may signature ng Pambansang Kamao.

Ipinost din ni Jinkee ang mga larawan ng ilang kaganapan sa kanilang pagbisita sa gym kabilang na ang kanyang encounter sa sikat na Korean actor/singer na si Lee Seung Gi at sa K-pop star na si Nancy McDonnie.

Caption pa ni Jinkee sa larawan nila ni Lee Seung Gi, “Para akong tita ni @leeseunggi.official.”

Sa comment section ay isa sa mga nag-comment si Arci Muñoz na big fan naman ng sikat na K-pop group na BTS.

“Tita @leeseunggi.official,” comment ni Arci.

AUTHOR PROFILE