Jessy Larawan mula sa IG/Jessy Mendiola

Oh Jessy!

April 24, 2024 People's Tonight 79 views

MULING kinuwestiyon ng netizens ang aktres na si Jessy Mendiola kung nanganak nga ba talaga ito dahil sa pagbabandera ng walang kupas niyang kaseksihan.

Sa kanyang Instagram page nitong Martes, Abril 23, pasabog kung umawra sa arawan ang celebrity mom sa mga ibinahagi niyang larawan.

Sinabayan ni Jessy ang mainit na panahon nang magtungo sa isang beach. Perfect sa summer ang suot niyang floral two-piece bikini na nagpaangat sa alindog ng aktres.

Paalala nga niya sa mga tulad niyang mommies, ayos lang na alagaan din nila ang kanilang mga sarili.

“Just a reminder to all the mommas out there, it’s okay to take care of yourself too. Pamper yourself once in a while and give yourself that much needed skin/body treatment,” sey niya sa caption ng kanyang post.

“Brb, aura lang muna si mami sa arawan,” hirit pa ng celebrity mom.

Walang bakas ng kahit anong stretch marks ang tiyan ng aktres. Ubod ng kinis at pagka-fresh si Jessy na para bang bulaklak siyang hindi nauubusan ng halimuyak.

Kung alindog at kagandahan lang din ang pag-uusapan, tamang-tama ang timpla ni Jessy. Petmalu ang kanyang toned body at glowing naman ang kanyang mestiza beauty.

Tila gulat naman sa ibinanderang hotness ni Jessy ang kanyang mister at TV host-actor na si Luis Manzano. Kaya nga napa-comment ito sa post ng kanyang misis ng ilang flushed face emojis.

Inulan din ng komento mula sa netizens ang nasabing sexy photos ng aktres.

Ayon sa ilang komento: “Sayo ba galing si Peanut? Sana all”, “Did you really give birth?”, “Ayyy mas pinainit mo naman panahon ma”, “Si Luis yata naglabas kay Peanut”, at “Parang hindi nanganak, tapos wala ring stretch marks from pagbubuntis. Ganda!

AUTHOR PROFILE