Louie

Ang sikreto ng mga awitin ni Louie Ocampo

January 12, 2023 Aster Amoyo 803 views

Louie1PicGaryRegineSarahZsaZsaSharonMartin

TULAD ng great song writers-composers na sina George Canseco, Maestro Ryan Cayabyab, Rey Valera, Ogie Alcasid at iba pa, hindi rin maitatanggi ang husay ng isa pang music icon, ang award-winning songwriter-composer, lyricist, musical arranger and record producer na si Louie Ocampo which has over a hundred hit songs recorded by various talents – recording stars and artists including Concert King Martin Nievera, Concert Queen Pops Fernandez, Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Pop Supertstar Sarah Geronimo, Asia’s Songbird Regine Velasquez, Broadway Diva Lea Salonga, Joey Albert, balladeers Anthony Castelo, Marco Sison, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Basil Valdez at marami pang iba. Nariyan din sina Piolo pascual, Rachelle Ann Go, APO Hiking Society at marami pang iba.

His 45 years in the music business has put him on the pedestal ng local music industry at hindi siya humihinto sa paggawa ng mga awitin, mostly love songs.

At 62, wala pa sa bokabularyo ni Louie ang mag-retiro sa pagsusulat na magagandang awitin. Katunayan, he’s even open to work and collaborate with the now generation artists and songwriters.

Bukod sa pagiging in-demand songwriter and musical arranger ng mga top caliber singers-performers, Louie considers himself a romanticist, the reason kung bakit ganoon siya kahusay at kadaling mag-compose ng mga love songs. Ang bawat kanta na kanyang sinusulat ay may kuwento either sa kanyang personal experience o sa ibang tao.

Ang hit song na “Anna” na kinanta at pinasikat ng APO Hiking Society ay sinulat niya para sa kanyang ex-girlfriend na nagngangalang Anna. Kay Anna rin patungkol ang kanyang awiting “Tell Me” na kinanta ng isa sa kanyang ex-girlfriend na si Joey Albert.

Speaking of Joey Albert, marami-rami ring hit songs ang ni-record nito na composition ni Louie. Bukod sa “Tell Me” (Joey’s signature hit), nariyan din ang “It’s Over Now,” “Yakapin Mo Ako,” “Larger Than Life,” at “Ikaw Lang ang Mamahalin”. Marami-rami rin ang ginawa niya for Martin (who became his best friend) tulad ng “Say That You Love Me,” “Kahit Isang Saglit,” “You Are My Song” among others.

Louie did songs for Zsa Zsa Padilla tulad ng “Point of No Return”. Siya rin ang nag-compose ng hit song ni Marco Sison, ang “Si Aida, Si Lorna o si Fe,” ang “Selos” ni Rico J. Puno, “Ikaw,” “Hagkan” at iba pa ng megastar na si Sharon Cuneta, ang “Don’t’ Say Goodbye” ni Pops Fernandez, “Closer You and I” ni Gino Padilla, at napakarami pang iba.

It was Viva’s big boss, Vic del Rosario, Jr. who came up with the idea that it is about time for Louie to topbill his own concert instead of him at the background with some of the top artists in the land as his special guests at dito nabuo ang “Composer Ka Lang” two-night concert ni Louie to mark his 45th year in the entertainment business. Ito’y gaganapin sa The Theatre in Solaire on February 4 & 5, 2023 and produced by Viva Live, Inc. in cooperation with Solaire Resorts Entertainment City.

Although hindi naman lahat maa-accommodate ni Louie ang mga artist na kanyang ginawan ng kanta, he has an array of special guests na hindi matatawaran ang husay at kasikatan tulad ng megastar na si Sharon Cuneta, Pop superstar Sarah Geronimo, Divine Diva Zsa Zsa Padilla, music icon Basil Valdez, concert king Martin Nievera, Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Asia’s Songbird Regine Velasquez, Jim Paredes and Boboy Garovillo of APO, Marco Sison, Katrina Velarde, Janine Tenoso at Lyca Gairanod.

Hinding-hindi makakalimutan ni Louie ang isang contestant sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng noontime program na “It’s Showtime” kung saan siya tumatayong punong hurado na tinawag siyang “Composer ka Lang” dahil siya’y natalo sa nasabing patimpalak na ikina-react ng kanyang mga kasamahan sa trabaho laluna sa “It’s Showtime”. Those words stuck in his mind at ito ang kanyang ginawang titulo sa kanyang two-night concert at The Theatre in Solaire na ngayon pa lamang ay inaasahang magiging `Night to Remember” not only for Louie and his guests kundi lalung-lalo na sa mga music enthusiasts and followers ng mahusay na songwriter and musical arranger.

Bukod sa pagiging music icon at pagiging mahusay na composer and musical arranger, nananatili ang pagiging humble ni Louie hanggang ngayon.

Bukod sa mga kantang sinulat niya na kinanta at pinasikat ng iba’t ibang recording artist, kilala rin si Louie sa paglikha ng magagandang theme songs for TV, movies , TV commercials at iba pa tulad “Batibot” na isang popular children’s show, “Babalik Ka Rin,” ang theme song ng “Eat Bulaga” on their 25th anniversary at marami pang iba.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE