Andres The Muhlachs

Andres papasok na sa showbiz

January 27, 2024 Aster Amoyo 128 views

NAALALA namin ang gabi ng The Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors late last year.

Tinanggap ni Andres Muhlach ang award ng kanyang ama bilang isa sa Icons of the Year. At nagulat kami sa reaksyon ng live audience nang gabing ‘yun. Paglabas ng stage ni Andres sa Aliw Theater, tunay namang na-excite nang todo ang mga nanonood, lalo na ang mga kabataang babae.

Doon pa lang, makikita na kung gaano kalakas sa fans si Andres.

Kaya’t marami ang natuwa nang malaman nila na kumpirmado na ang pagpasok ni Andres sa showbiz.

Kasama siya sa sitcom ng TV5 na pagbibidahan nila ng kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, at ng kakambal niyang si Atasha Muhlach.

Bagama’t nauna nang pumasok sa showbiz ang kanyang kaka,bal na si Atasha bilang co-host ng Eat Bulaga!, hindi na nagbilang nang mahaba ang fans ni Andres para sumabak din ito sa mundo ng kanyang mga magulang at grandparents.

It’s final, makakasama si Andres sa isang sitcom sa TV5 na pagbibidahan nila ng kanyang mga magulang na sina Aga at Charlene Gonzalez, at ni Atasha. It’s a family affair.

Lumagda ng kontrata ang buong pamilya noong Biyernes ng hapon, Enero 26, 2024.

Kasama nilang pumirma ang TV5/Mediaquest chairman na si Manny V. Pangilinan at Viva Entertainment CEO Boss Vic del Rosario. Naging saksi naman sina Viva Communications President & COO Vincent del Rosario, Studio Viva Inc. COO Valerie del Rosario, Sienna Olaso (MediaQuest Head for Special Projects), TV5 president and CEO Guido Zaballero, Victorico Vargas (SVP-Leadership and Transition Officer, PLDT), at MediaQuest/Cignal TV president and CEO Jane Basas.

Ang tanong: maabot kaya o malampasan ni Andres ang narating ng kanyang amang si Aga?

Jennifer nasaktan kay Joem

Jennifer
Jennifer Maravilla

UNFORGETTABLE para sa Kapuso singer na si Jeniffer Maravilla ang bugbugan scene nila ni Joem Bascon sa GMA prime series na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’

Masyado raw intense ang mga eksena nila kaya nakalimutan daw ni Jeniffer na mag-focus sa ginawa nilang rehearsals bago kunan yung eksena. Kaya hindi raw sinasadyang nasaktan siya ni Joem.

“Magkakasunod po kasi yung mga eksena namin ni Joem tapos kasama pa si Jasmine (Curtis-Smith). Siguro nalito na rin ako kaya mali yung galaw ko. E, si Joem intense din sa mga eksena kaya tinuloy-tuloy namin.

“Medyo nasaktan po tayo pero nag-sorry agad si Joem. Sinabi ko naman na it’s my fault kasi nawala ako sa focus kasi sobrang high na yung emotions namin sa scene,” kuwento pa ni Jeniffer.

Noong i-playback naman daw sa kanila yung eksena, maganda lumabas at napakanatural ng dating kaya natuwa si Direk Laurice Guillen.

Second teleserye pa lang ito ni Jeniffer at una siyang lumabas sa I Left My Heart in Sorsogon bilang best friend ni Heart Evangelista.

Si Jeniffer din ang umawit ng theme song ng Asawa Ng Asawa Ko titled “Akin Siya” kunsaan ka-duet niya si Crystal Paras.

Global Pinoys ilulunsad sa ‘All-Out Sundays’

Global
Global Pinoys

ILU-LAUNCH ng GMA ang theme song ng kanilang international flagship channel nila na GMA Pinoy TV na “Global Pinoys” sa noontime musical variety show “All-Out Sundays.”

Ayon sa GMA Pinoy TV: “The newest theme vividly captures the essence of how Filipinos celebrate and proudly promote Philippine heritage through diverse festivities organized and participated in by GMA Pinoy TV. From showcasing traditional folk dances like the “tinikling” and hosting pageants that celebrate world-class Filipina beauty to savoring streetside gastronomic delights, the new theme song beautifully portrays the rich tapestry of Filipino culture. It also pays homage not only to the excellence of Global Pinoys but also to the Filipinos’ unbreakable spirit and togetherness as a nation.”

Sa ginawang music video, makikita roon sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Jennylyn Mercado, Julie Ann San Jose, Barbie Forteza, Ruru Madrid, Mel Tiangco, Vicky Morales, and Jessica Soho.

The GMA Pinoy TV theme song, “Global Pinoys,” will be performed on the AOS stage by The Clash alumnus Power Diva Jessica Villarubin and Kapuso Soul Balladeer Garrett Boldenwith global Pinoy guests from US, Canada, and UAE.

“I’m so very excited and happy po talaga kasi itong song na ito ay napaka-special talaga dahil inaalay natin ito sa mga kapwa natin Pilipino,” sey ni Jessica.

Sey naman ni Garrett: “Sobrang thankful ako for being chosen to sing this song kasi ‘yung father ko rin and ‘yung mom ko, and I have lots of relatives sa ibang bansa kaya medyo malapit ang puso ko sa GMA Pinoy TV.”

“Global Pinoys” will be available for streaming on Spotify, iTunes, and other digital platforms beginning February 2.

AUTHOR PROFILE