Alex Larawan: Alex Gonzaga/ IG

Alex Gonzaga, binarda ni Luis Manzano

December 13, 2023 People's Tonight 170 views

MAGPAPAMUDMOD ng iPhone ang social media personality at aktres na si Alex Gonzaga sa kanyang mga loyal followers, na binarda naman ng kanyang kaibigang si Luis Manzano.

Sa Instagram post ni Alex, inanunsyo niyang, “My dear Netizens!! Mamimigay tayo ng ANIM na IPHONE 15 sa lahat ng aking followers for the past 6 years. Kung ikaw ay naka-follow sa lahat ng aking social media account from youtube, facebook, tiktok, threads at twitter COMMENT down below your name sa lahat ng soc med mo and SHARE THIS POST para pwede ka manalo ng IPHONE 15! Mahal ko kayo salamat sa pagsama.”

Dagdag pa niya, ito umano ang way ng pasasalamat niya sa kanyang mga taga-hanga na patuloy na tumatangkilik sa kanyang pelikula at vlog. “A small way para magpasalamat sa pagsama sa akin saan man tayo dalhin ng buhay,” saad pa ni Alex.

“Pa-mine po ng hagdan,” komento naman ng aktor na si Luis. “Wag ka magulo, saksakin kita ng baba mo,” agad naman na sagot ni Alex.

Natuwa naman ang netizens sa bangayan lagi ng dalawa sa socmed.

AUTHOR PROFILE