Awra Larawan: Awra Briguela/ IG

Awra Briguela pinasalamatan si Zeinab

December 13, 2023 People's Tonight 128 views

NAGPASALAMAT ang aktor at komedyante na si Awra Briguela sa social media personality na si Zeinab Harake, dahil hindi umano siya iniwan nito.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Awra na sobrang grateful niya dahil may isang Zeinab sa buhay niya.

“Happy happy birthday ate ko, mahal na mahal kita at sobrang swerte ko na meron akong ikaw sa buhay ko. Ipinagpapasalamat ko kay Lord God na naging ate kita kasi never mo akong iniwan sa saya at lungkot ng buhay ko. pinag darasal ko ang kaligayahan mo. mahal kita at hindi rin kita iiwan habang buhay,” sey pa ni Awra.

Humingi naman pasensya ang “Here comes the groom” star dahil tanging pagpapasaya lang ang kaniyang regalo kay Zeinab sa kaarawan nito.

“Pasensya ka na kung ang regalo ko lang sayo tuwing birthday mo ay ang pagiging pasikat at bida bida ko lang sa celebration mo,” dagdag pa ng komedyante.

AUTHOR PROFILE