Mika Larawan mula sa IG/@mikadlacruz

Mika Dela Cruz sa pag-alis niya sa showbiz: ‘Wala na akong passion’

December 13, 2023 People's Tonight 440 views

IBINAHAGI ng aktres na si Mika Dela Cruz na nasa lowest point siya ng kanyang buhay sa nagdaang apat na taon.

Todo hagulgol sa pag-iyak ang aktres matapos niyang ibahagi ang kanyang testimony sa isang church sa Antipolo.

“The past four years were the worst years of my life. It was the hardest and lowest point in my life, and nobody knew about it. Eto yung masasabi ko na talagang sumadsad na ako,” sey ni Mika.

Naikuwento rin niya ang naramdamang ‘restlessness’ bilang isang showbiz personality.

“Tingin ng mga tao masaya, magarbo, madali ang buhay. Hindi naman namin napapakita kung ano yung nangyayari behind it,” wika ng aktres.

“Hindi nila alam na kinalakihan kong hanapin yung identity ko sa mundo, sa ibang tao. This became my source of restlessness. Alam ng pamilya ko ‘yan. I’ve been restless all my life,” dagdag pa niya.

“I wasn’t living anymore. I was merely existing. Andiyan na lang ako, inaagos na lang ako,” saad pa ni Mika.

“Kung ano mangyari, wala na. Wala nang dreams, hopes, love, joy, wala na akong passion natira sa heart ko,” aniya pa.

AUTHOR PROFILE