Default Thumbnail

Aktibista hinatulan ng 8 taong kulong

March 16, 2023 Zaida I. Delos Reyes 215 views

HINATULAN ng walong taong pagkakabilanggo ang isang batang aktibista matapos mapatunayang “guilty” sa illegal possession of firearms and explosives sa Lucena City.

Ayon kay Col. Dennis Caña, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Southern Luzon Command, ang suspek ay nakorner ng military noong Setyembre 14, 2019 sa Barangay Magsaysay, General Luna, mayapos itimbre diumano ng mga residente na mayroon umanong armadong grupo sa lugar na pinaniniwalaang miyembro ng CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front).

Ang maayos na pagsuko ng aktibista na isang babae, ang naging daan upang makatakas ang iba pa niyang kasamahan umano.

Nagpahayag din daw ito ng kagustuhang makipagtulungan sa gobyerno at sumailalim sa “Balik-loob” na programa ng gobyerno para sa dating rebelde subalit kalaunan ay binawi niya ito matapos na makausap ng ilang miyembro ng Karapatan Timog Katagalugan sa headquarters ng 201st Infantry Brigade (IB).

Ang pagbawi ng pahayag ng suspek ang dahilan upang isampa ng mga otoridad ang kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9526 nitong 2020.

Nitong Miyerkules, Marso 15, ibinaba ng Lucena City Regional Trial Court Branch 56 ang hatol na guilty laban sa suspek.

Ang aktibista ay estudyante umano ng MS Enverga University Lucena City at miyembro diumano ng Gabriela Youth bago iniulat na nawawala ng kanyang ama.

Nagpahayag naman ng kalungkutan ang Southern Command sa sinapit ng suspek.

“With the RTC handing the verdict, justice was served. However, the command is saddened that another life of our youth is destroyed, victimized by the ‘communist terrorists’ with their deception and duplicitous modus operandi. Alexandria could have surrendered as she initially did and had a better life,” pahayag ni Caña.