Airlines humihingi ng plane fare hike

June 23, 2022 Jun I. Legaspi 106 views

Jun LegaspiMATAPOS humingi ng increase sa pamasahe ang operators ng mga bus, taxi, traditional jeepney at iba pang public transportation, ngayon naman ang mga airlines ang humihiling na itaas ang plane fares.

Ayon sa mga airlines, kita sa mga datus ang laki ng itinaas ng aviation fuel at kailangan mag adjust para matugunan ang tuloy tuloy na flights. Lalo na nga’t halos 100% na ang mga domestic at international flights dahil muling bumubulusok paakyat ang ekonomiya ng bansa.

Nagpasabi na rin ang Civil Aviation Board na maglalabas sila ng matrix sa posibleng adjustment ng pamasahe sa eroplano.

Para matugunan ang demand ng mga businessmen, bakasyunista, at mga regular biyahero, kailangan talagang mag-adjust sa pamasahe para matugunan ang pagtaas ng aviation fuel lalo na’t inaangkat natin ang mga ito.

Ang magandang balita, nagbigay ng assurance ang mga airlines na magpapatuloy ang kanilang mga “Low Fare Promos.”

Commendable ang pagsisikap at moral support na ibinibigay ng mga airlines. Sa kabila ng dalawang taon silang halos naghikahos dahil sa epekto na COVID-19 nandun parin ang “PUSO” nila na paglingkuran ang kanilang mga pasahero sa abot ng kanilang makakaya.

Hindi rin kinokompromiso ng mga airlines ang safety at health ng kanilang mga pasahero at crew.

Patunay din ito ang mabilis na action ng “The Man” sa Ninoy Aquino International Airport na si GM Ed Monreal nang ma stuck ang isang Saudia plane sa Taxiway ng airport.

Kasama ang mga personnel ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), siniguro ng medical at quick response team ng NAIA na ligtas ang lahat ng pasahero, crew at piloto ng eroplano.

Wala ring naantalang flights.

May announcement ang Land Transportation Frachising and Regulatory Board at Department of Transportation ukol sa pagtatapos ng Libreng Sakay sa maraming rutz maliban sa EDSA Courosel.

Dalangin ng mga residente ng Quezon City, pagpalain pa si Mayor Joy Belmonte at ituloy tuloy pa ang Libreng Sakay dahil napakalaking tulong nito sa kanila lalo na ngayon maraming mga driver at operator ang tumigil sa pamamasada.

Sa airline industry, sa CAAP, NAIA at kay Mayor Joy, mabuhay po kayong lahat!(jilegaspi@yahoo.com)

AUTHOR PROFILE