Aga

Aga, balik-game show host sa Net25

October 17, 2022 Ian F. Fariñas 360 views

NITONG Sabado, October 16, nagbalik si Aga Muhlach bilang game master ng mas pinabongga at pinagandang third season ng Tara Game, Agad Agad.

Sa isang video, sinabi ni Aga, “I’m really excited for season 3. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal ‘yung Tara Game, Agad Agad. It’s been my favorite since we started the show.”

Naglaban-laban ang apat na contestant hanggang sa isa na lamang ang nakarating sa final round.

Nag-unahan silang magkaroon ng points sa pamamagitan ng pagsagot sa iba’t ibang tanong. Ipinakita sa kanila ang mga posibleng sagot at nagkaroon sila ng pagkakataong sagutin ito o ipasa sa kalaban.

Ang kakaiba sa season na ito? Kasama na rin sa kasiyahan ang mga taong nasa labas ng studio.

Dagdag pa ni Aga, “We’re also excited, kasi mas malaki ‘yung pa-premyo namin. So ‘yung P20,000 mo, kapag umabot ka ng jackpot round, pwedeng umabot ng P180,000. May pagbabago din sa jackpot round, kaya abangan niyo dahil excited talaga ako sa seasons 3 and 4.”

Hindi doon nagtatapos ang sorpresa para sa TGAA Season 3. Dalawang co-host na ang kasama ni Aga — ang Filipino-Japanese social media star na si Yukii Takahashi at ang Brazilian actress/host na si Daiana Menezes.

Sila na ang magbibigay saya sa publiko sa pamamagitan ng TGAA Level Up games.

Ayon kay Daiana, “Nasa remote area ako, may mga ini-interview ako, kailangan magtugma ‘yung sagot ng mga nasa studio sa mga ini-interview ko.”

Excited din siya na maging parte na Tara Game, Agad Agad: Level Up lalo na at makakasama niya sina Aga at Yukii.

“Sobrang natutuwa talaga ako, because passion ko talaga ‘yan. I’m really happy that Net25 is giving us this opportunity especially kasama ko du’n si Aga Muhlach and i-welcome na rin natin si Yukii na very talented.”

Nagpapasalamat naman si Yukii sa oportunidad na ibinigay sa kanya.

“I feel so happy and honored na part at pinagkatiwalaan ako ng Net25 to co- host with the one and only Aga Muhlach! It’s a dream come true to finally be part of a show, na na-consider ako na mag co-host at regular show sa Net25,” aniya.

Dagdag pa ni Daiana, “This new season, abangan nila because it’s more fun, more pa-premyo, humanda sila sa physical challenges at ‘yung segment ko na ‘Tara Fun.’”

Manood ng TGAA Level Up tuwing Linggo, 7 p.m., sa Net25.

AUTHOR PROFILE