Default Thumbnail

Advisory sa ruta ng ‘Bekshie ng Maynila’ inilabas

April 15, 2023 Jonjon Reyes 331 views

NAGBIGAY na ng direktiba ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ruta ng idaraos na parada at konsiyerto para sa “Bekshie ng Maynila” – Manila Summer Pride 2023, Linggo Abril 16.

Iniutos na ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre P. Dizon sa pamunuan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) na magpatupad ng traffic rerouting sa Maynila.

Base na rin sa Department of Tourism, Culture and Arts o DTCA ng Manila City Hall, ang parade route ay magsisimula sa Arroceros Forest Park; pagkatapos ay diretso sa Antonio Villegas Street; kaliwa sa Natividad Lopez St.; diresto sa San Marcelino St.

Magpapatuloy sa kanang nahagi naman ng Ayala Boulevard; kanan sa Taft Avenue; kanan sa Antonio Villegas St.; kaliwa sa Cecilia Munoz St., hanggang sa makarating sa Bonifacio Shrine.

Magsisimula ang parada alas-4 ng hapon at magkakaroon ng konsiyerto kung saan tampok ang iba’t-ibang artists.

Ang “Bekshie ng Maynila” ay sinimulan noong 2019 ni dating Manila Mayor Isko Moreno.

Nakatutok ang pagdiriwang para sa mga kababayang miyembro ng LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, and Asexual) organization, at para maisulong sa “equality” at “inclusivity” at iba pa.

AUTHOR PROFILE