Reyes

Act Agri-Kaagapay, Ricky Reyes kapit-bisig sa pagtulong sa mahihirap

May 26, 2024 People's Tonight 148 views

INLUNSAD ng kilalang Filipino hair dresser na si Ricky Reyes at Act Agri-Kaagapay organization ang “Isang Gunting, Isang Suklay” livelihood project upang matulungan ang daan-daang kababaihan at mga indibidwal na walang hanapbuhay, sa layuning maiangat ang kanilang buhay, sa pamamagitan nang pagdaraos ng libreng hair-cutting seminar.

Sa distribusyon ng certificates of recognition na idinaos sa SM SouthMall sa Las Pinas City, pinasalamatan ni Reyes si Act Agri Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez sa pagsuporta nito sa maraming livelihood projects na nakatutulong sa maraming mahihirap na pamilya, partikular na sa maliliit na magsasaka na kabilang sa indigenous peoples (IPs).

Ang Health Caravan ay pinasimulan ni Reyes, sa tulong ng pangasiwan ng SM SouthMall at Act Agri-Kaagapay bilang bahagi ng kanilang joint effort na makapagkaloob ng hanapbuhay sa libu-libong pamilyang Pinoy, sa pamamagitan ng iba’t ibang livelihood programs at upang matiyak na mabibigyan sila ng mas magandang buhay.

Nabatid na ang mga dumalo at nakakumpleto ng seminar ay bibigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa mga popular na salon sa bansa at maaaring maiendorso sa ibang beauty shops bilang hair dressers at beauticians.

Bukod sa hair cutting seminars, kasama rin sa Health Caravan ang pamamahagi ng mga medisina at bitamina; training para sa barangay health workers sa emergency preparedness; blood typing; blood sugar checks; feeding programs; at iba pa.

Ayon kay Ms. Rodriguez, makikilahok rin ang China Bank sa naturang aktibidad sa pamamagitan nang pag-aalok ng specialized Insurance Program na idinisenyo para sa beauty practitioners, salon owners, salon employees, at makeup artists.

“The Beauty Caravan aims to help all beauty practitioners, salon owners, hair and makeup artists, and everyone involved in the beauty industry,” mensahe ni Rodriguez, na siyang may akda ng librong “Leave Nobody Hungry” sa mga audience at participants.

“We are delighted to grant these livelihood opportunities to our hardworking women and dedicated parents. Once you receive your beauty kits and tools for your hair project, may everyone remember that they are more than just tools for business but symbols of your determination and aspirations,” aniya pa.

Maaaring makita ang iba pang aktibidad ng ACT-Agri Kaagapay sa Facebook page ni Rodriguez na Queen Vi Rodriguez.’

AUTHOR PROFILE