Default Thumbnail

Abalos: Seguridad sa coastlines ng Zamboanga palakasin

May 7, 2023 Zaida I. Delos Reyes 170 views

NANAWAGAN si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga kinauukulan na palakasin ang seguridad at pagbabantay sa coastlines ng Zamboanga City upang maiwasan ang pagpasok ng ipinagbabawal na gamot.

Ang panawagan ay ginawa ng kalihim sa paglulunsad ng proyektong Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) sa lungsod na naglalayong labanan ang illegal drugs.

“Mayor (John) Dalipe told me the problem here in Zamboanga City is its large coastline. So, there is a need to strengthen seaborne and coastal patrol here,” pahayag ni Abalos.

“We must check on our borders because the worst part of it is we might become the dumping ground of illegal drugs,” dagdag pa ng Kalihim.

Aniya, makikipag-ugnayan siya sa Philippine Coast Guard (PCG) upang matulungan ang lokal na pamahalaan sa pagbabantay sa coasline at mapigilan ang pagpasok ng droga, mga smuggled na produkto at kontrabando sa lugar.

Hinimok din din Abalos ang kapulisan na palakasin ang kanilang intelligence operation laban sa illegal drugs at kriminalidad.

Tinalakay din ng kalihim ang layunin ng BIDA program na aniya ay isang holistic campaign laban sa droga.

Kinapapalooban ito ng pakikilahok at kooperasyon ng national government agencies, local government units, private sectors, faith-based organizations at covil society organizations na naglalayong labanan ang pagkalat ng illegal drugs sa bansa.