Default Thumbnail

No. 3 wanted sa pamemeke ng dokumento tiklo

October 14, 2022 Jonjon Reyes 337 views

LAGLAG sa kamay ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station 4 ang isang lalaki na inakusahang nagkasala sa pamemeke ng mga dokumento nang isilbi ang arrest warrant nito sa kaniyang pinagkukutaan sa Sampaloc, Maynila Huwebes ng umaga.

“You can run but you can’t hide” ito ang mariing ipinahayag ni Police Lieutenant Colonel Paul Jady Doles, station commander ng MPD Sampaloc Police Station sa naarestong suspek.

Nang isilbi ang warrant of arrest hindi na nagawang makatakbo o makawala pa sa batas ang suspek na may alyas na “Itoh”.

Ayon kay Doles, iniutos nito kay P/Capt. Roger Reyes, hepe ng Station Warrant Section ang pag-aresto sa suspek.

Dahil sa isinagawang surveillance ng mga awtoridad, natunton ito sa isang lugar sa Sampaloc.

Ang naturang suspek ay nasa no. 3 most wanted sa station level dahil sa kasong 25 counts of qualified theft through falsification of commercial documents.

Dahil dito, pinuri at pinasalamatan ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon si Doles at ang buong kapulisan sa mabilis na aksyon na pinaiiral ang “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” (S.A.F.E.) na programa ni NCRPO Chief P/Brig. Gen. Dionnel Estomo.

AUTHOR PROFILE