Default Thumbnail

Lalaki kalaboso sa 2 kaso

May 13, 2022 Jonjon Reyes 799 views

DALAWANG kaso ang isinilbi sa isang 52-anyos na lalaki makaraang arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Lungsod ng Quezon, hapon nitong Huwebes.

Unang nai-report ang kasong estafa na may piyansang P78,000 habang kasong falsification by Private Individual and Use of Falsified Document na may piyansang P36,000 ang nakahain laban sa suspek na nakilalang si Ronald Solano Fesalbon, negosyante, ng Regala Park Tower sa panulukan ng P. Tuazon at EDSA sa Cubao, Quezon City .

Sa report sa District Warrant and Subpoena Section at kay MPD-Director Leo “Paco” Francisco, ininguso ng impormante ang kinaroroonan ng suspek makaraan itong magtago.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Carolina Icasiano-Sison ng Regional Trial Court (RTC) Branch 18 Manila, Hunyo 14, 2021, dahil sa kasong estafa.

Kasabay din na inisyu ni Presiding Judge Nerina Cassandra Anastacio-Mendinueto ng Metropolitan Trial Court (MTC) Br. 22 ng Manila na parehong petsa.

Ang suspek ay nananatili sa kustodiya ng MPD Detention Jail habang inaalam pa kung may iba pa itong kasong hinaharap. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE