Default Thumbnail

Mga tenggang establisyimento nasunog sa Malabon

May 13, 2022 Edd Reyes 344 views

TINUPOK ng apoy ang magkakatabing establisyimento at isang paupahang bahay sa mahigit 30-minutong sunog na sumiklab Huwebes ng gabi sa Malabon City.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang makarinig ng sunod-sunod na putok sa loob ng isang saradong commercial establishment na pag-aari ng isang Manilyn Flamiano sa Gen. Luna St. Bgy. Baritan na sinundan ng pagsiklab ng apoy kaya’t kaagad na nagresponde ang dalawang trak ng Bureau of Fire Protection (BFP) at 23 volunteer fire trucks.

Naitaas lamang sa unang alarma ang sunog bago idineklarang “under control” ng dakong alas-12:02 ng hatinggabi hanggang tuluyang maapula dakong alas-12:08 ng Biyernes ng madaling araw.

Nadamay sa sunog ang nakasaradong pagawaan ng mga mamahaling appliances, isang tindahan ng mga alagang hayop at paupahang bahay sa likuran ng mga establisyimento.

Sa ulat na natanggap ni Malabon Police Chief P/Col. Albert Barot, walang nasaktan o nasawi sa naturang sunog na umabo sa tinatayang P200,000 halaga ng ari-arian, batay sa ginawang pagsisiyasat ni FO3 Paul Michael Malate ng Malabon Fire Department. Ni Edd Reyes

AUTHOR PROFILE