Sharon Cuneta

Sharon umalis ng bansa nang nag-iisa

May 12, 2021 Aster Amoyo 533 views

MEGASTAR Sharon Cuneta left the other night for abroad all by herself at wala ring sinabi kung saang bansa ito magtutungo.

“I’m going home. Of course my real home, where my heart is, where my husband and children are. But tonight, I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents. I need to breath, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys. Please pray for me. God bless you always!” post ni Sharon sa kanyang Instagram account.

This is not the first time na nangibang-bansa si Sharon na mag-isa. Ginawa na rin niya ito several years ago nung kasasagsagan ng kontrobersiya na may kinalaman sa problema ng pagsasama nila ng kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.

Hindi malinaw kung gaano katagal mawawala sa bansa si Sharon. Pero bago siya umalis ay nakapag-advance taping na siya sa celebrity impersonation singing competition program na “Your Face Sounds Familiar” kung saan isa siya sa mga tumatayong hurado along with Gary Valenciano and Ogie Alcasid at kung saan naman si Luis Manzano ang host.

Samantala, si Sharon na rin mismo ang nagbalita na nakalabas na ng pagamutan ang celebrity make-up artist, fashion designer and part-time actor na si Fanny Serrano at ito’y kasalukuyang nagpapagaling sa kanyang bahay.

Piolo nagtayo ng sariling music label

Piolo PascualNAGTAYO ng sariling music label ang dating Kapamilya hunk actor, host, commercial model, film producer and entrepreneur na si Piolo Pascual, ang Just Music.

Malaking factor ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN at pagkakaroon ng pandemya sa naging desisyon ni Piolo na magkaroon ng sarili niyang record label hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para makatulong sa maraming talented singers and songwriters na hindi nabibigyan ng break.

Kung bihasa na si Piolo bilang film producer sa pamamagitan ng Spring Films kung saan niya business partners sina Direk Joyce Bernal at Erickson Raymundo, this time ay susubukan naman niya ang pagiging isang record producer.

Bilang panimula ay may dalawang talents na kaagad ang Just Music, sina Kenji at NKO.

Kasama kaya ang anak niyang si Inigo Pascual sa gustong i-produce ni Piolo ng mga bagong songs nito? Mangyayari lamang ito kung wala nang record deal si Inigo with Star Music, ang record label ng ABS-CBN.

Si Piolo ay isa sa dating prime talents ng ABS-CBN under Star Magic since 1996 until 2020 nang siya’y umalis sa Kapamilya network to host “ASAP Natin `to” rival program sa TV5, ang “Sunday Noontime Live” which was produced by Brightlight Productions. Ang nasabing programa na tinampukan din nina Maja Salvador, Catriona Gray at Jake Ejercito ay tumagal lamang sa ere ng tatlong buwan.

Piolo has been with Star Magic for 14 years.

Kung gugustuhin nina Piolo at Maja Salvador na may sarili na ring talent management company ay puwede silang mag-collaborate. Puwedeng kunin ng Crown Artist Management ang pagma-manage sa mga artists na kukunin ng Just Music for recording. This way ay magkakatulungan pa sila sa kanilang respective talents.

Ngayong pareho nang freelancer sina Piolo at Maja, bukas ang dalawa sa posibilidad to work with other TV networks.

Gladys ikinasal na

Gladys Guevarra“I AM now officially Mrs. Michael Guardian. Gladys Guevarra-Guardian,” bahagi ng post ng actress-comedienne and entrepreneur na si Gladys Guevarra (44) sa kanyang Instagram account.

It was only in September 2020 when the singer-comedienne hogged the controversial front nang kanyang akusahan ang ex-fiance na si Leon Sumagui na `ninakaw’ umano ang kanyang pera mula sa kanyang `kakanin’ business na inalmahan naman ni Leon. Pero madaling nakapag-move on si Gladys na agad nakahanap ng kapalit ng dati niyang fiancé. Nito lamang nakaraang Martes, May 11 ay ikinasal ang singer-comedienne kay Michael Guardian, a non-showbiz guy na ang tunay na pangalan ay Michael Navarrette. Ginawa itong `Guardian’ ni Gladys.

Alex ‘di pa umaalis sa bahay sa Taytay

Alex GonzagaHANGGANG ngayon ay sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal nakatira ang mag-asawang Alex Gonzaga at ang kanyang businessman-politician husband na si Mikee Morada habang hindi pa tapos ang kanilang ipinapa-renovate na bahay sa Lipa, Batangas na regalo sa mag-asawa ng parents ni Mikee na isang 35-year-old house.

Modern Mediterranean ang design ng newly-renovated house nina Alex at Mikee sa Batangas. Dahil sa pandemic, tila matatagalan ang completion nito.

Masaya naman ang parents ni Alex at ng kanyang elder sister na si Toni Gonzaga na sina Bonoy (Carlito) at Pinty (Crisanta) Gonzaga dahil kasama pa rin nila sa bahay ang kanilang bunsong anak at mister nitong si Mikee.

Kahit lumipat ng Batangas ang mag-asawang Alex at Mikee ay malamang na gawin nilang half-way home ang bahay ng mga Gonzaga sa Taytay kapag sila’y nasa Maynila. Ito ay para may kasama rin sa kanilang bahay ang parents ni Alex dahil nakabukod na ng tirahan si Toni magmula nang ito’y mag-asawa sa director-producer na si Paul Soriano.

Sina Alex at Mikee ay ikinasal in civil wedding rites last November 2020.

Toni at Alex may bagong pelikula

KUNG ang mister ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano ay meron nang sariling film production outfit bago pa man sila ikinasal, ang Ten17P, mag-asawa na ang dalawa nang itatag naman ni Toni ang sarili niyang film production, ang TINCAN sa tulong din siyempre ng kanyang husband.

First production ng TINCAN ang pelikulang “Mary, Marry Me” in 2018 na pinagsamahan ng magkapatid na Toni at Alex kasama si Sam Milby.

May bagong movie sina Toni at Alex na ang producer ay si Paul. Ito’y in co-production with Viva Films.

Samantala, natutuwa si Alex sa kanilang shooting ng kanyang ate na si Toni dahil may part ng movie na kukunan mismo sa Lipa City, Batangas kung saan naka-base ang pamilya ni Mikee. Kaya hindi mami-miss ni Alex ang kanyang husband habang sila’y nasa lock-in shoot.

Tulad ni Direk Paul kay Toni, very supportive din si Mikee sa showbiz career at pagiging successful vlogger ni Alex.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE