Valeriano Pormal na ibinigay ni Manila Congressman District 2 Roland Valeriano ang pitong bike patrol kay PLt.Col. Herry Lorenzo III ng MPD Station 7. Kuha ni JON-JON REYES

7 bike patrol ibinigal sa MPD Station 7

October 11, 2021 People's Tonight 369 views

PORMAL na itinurn over ni Manila Congressman District 2 Roland Valeriano ang pitong bike Patrol kay MPD Station 7 Commander PLt. Col.Harry Lorenzo upang may magamit ang kanyang mga kapulisan sa pagpapatrolya sa kanilang areas of responsibility sa Abad Santos, Tondo, Manila.

Si Valeriano ay dumalaw sa himpilan ng nasabing station ni PLT.Col.Lorenzo upang personal na ipagkaloob ang mga bisikleta sa mga kapulisan.

Pinayuhan ni Valeriano ang mga pulis na palaging mag-iingat sa kanilang mga trabaho lalo na sa pagpapatrolya.

Lubos naman ang pasasalamat ni PLT.Col. Lorenzo sa ibinigay ni Valeriano.

Ayon kay PLt. Col. Lorenzo , ipagagamit niya ang mga bike patrol sa kanyang mga kapulisanat aalagaan nila ang mga ito ng kanyang mga tauhan na naka duty.

“Iikot ang mga pulis sa kanilang nasasakupang lugar para sa patuloy na katahimikan at kaagapay ang kanyang mga tauhan ng Tactical Motorized Reaction Unit ( TMRU),” ani PLt. Col. Lorenzo.

AUTHOR PROFILE