Default Thumbnail

6 NPA patay sa engkwento sa Sultan Kudarat

November 25, 2022 Zaida I. Delos Reyes 266 views

ANIM na miyembro ng New Peoples ‘ Army (NPA) ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo kamakalawa sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Maj.Gen.Roy Galido, commander nf Joint Task Force Central, nagsimula ang engkwentro dakong 5:30 ng umaga sa bulubunduking bahagi ng Barangay Chua,Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Nagsasagawa umano ng combat at patrol operation ang mga tauhan ng 7th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt.Col. Frederick Chicote sa nasabing lugar nang makasagupa ang may 10 rebelde na pinangungunahan ni Dennis Dulonan alyas Kalbo.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan na nagsimula sa Sitio Sandigan at Sitio Mudti sa nasabing Barangay.

Ang serye ng bakbakan ay nagresulta sa pagkasawi ng anim na rebelde.

Napag-alaman na si alyas Kalbo ay executive committee member at deputy secretary ng natitirang East Daguma Front (EDF), Sub-Regional Committee Daguma ,(SRC Daguma), Far South Mindanao Region (FSMR).

Ayon kay Galido, si Kalbo ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong arson at frustrated murder

Na-recover din ng militar sa encounter site ang iswng AK47, tatlong M16 rifle, magazine, propaganda materials at personal na gamit.

Isang rebelde rin ang naaresto matapos ang engkwentro.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinagawang hot pursuit operation ng tropa ng militar upang maaresto ang ilang miyembro ng rebeldeng grupo.