Default Thumbnail

6-anyos dedo, 1 sugatan sa bangkang pangkarera

May 23, 2023 Zaida I. Delos Reyes 164 views

PATAY ang isang anim na taong gulang na batang babae habang sugatan naman ang kasama nito matapos na masagi ng isang bangkang pangkarera sa Siquijor.

Gayunman, hindi na pinangalanan ang nasawi na ayon sa kanyang ama ay nanonood lamang at nagtatampisaw sa tubig habang isinasagawa ang karera.

Isinugod naman sa pagamutan ang isa pang biktima na nasagi rin.

Batay sa ulat na pulisya, ang insidente ay naganap sa karagatang sakop ng Barangay Pasihagon, Siquijor.

Mabilis umano ang patakbo ng nanalong bangka ng suspek kung kaya’t nahagip nito ang bata na nagtatampisaw sa dalampasigan.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang organizer ng “bangkarera” subalit nakipag-ugnayan na sila diumano sa pamilya ng biktima.

Inihahanda na ng mga pulis ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa suspek.