Default Thumbnail

52 laglag sa anti-drug ops ng Batangas cops

April 16, 2024 Jojo C. Magsombol 106 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Umaabot sa 52 suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga ang nalambat ng Batangas police mula Abril 7 hanggang Abril 13, 2024.

Alinsunod sa mas pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng Police Regional Office (PRO 4A) sa pamumuno ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas ang walang puknat na anti-drug operations sa pangunguna ni Police Colonel Samson Belmonte, Batangas police director.

Nakakumpiska ang mga pulis ng 183.31 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,264,839.

“Sa Bagong Pilipinas wala ng mga buhay na masisira pa ng salot na ilegal na droga. Sa ating pagkakaisa, sama-sama nating masusugpo ang ipinagbabawal na gamot,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE