Default Thumbnail

4 tiklo sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Pandacan

November 9, 2022 Jonjon Reyes 300 views

HIMAS rehas ang apat na umano’y karnaper, kabilang ang isang babae, at damay rin ang buyer na sunod-sunod na naaresto ang mga ito sa isang follow-up operation at mabawi ang motorsiklong kanilang tinangay sa harap ng simbahan ng Sto. Niño sa Pandacan, Maynila, Nobyembre 8, 2022.

Dalawa sa naaresto ay pawang magkapatid na pangunahing suspek sa carnapping, isa nilang kasamahan, at ang diumano’y “buyer” ng ninakaw na motorsiklo.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Romeo Estabillo, hepe ng District Tactical Motorized Unit ng Manila Police District (MPD), pasado alas 2:48 ng hapon, nang tangayin ang itim na motorsiklong Honda Click 125CC sa harapan ng Sto. Niño Church sa Jesus Street sa Pandacan nitong Martes na pag-aari ng biktimang taga-Pandacan din.

Ayon kay Estabillo, habang nagsasagawa ng pagpapatrol ang kanyang mga tauhan sa area na sina PSSgt. Antonio Macawili at P/Cpl. Jeffrey Salazar, humingi ng tulong ang biktima, matapos nakawin ng mga suspek ang kanyang motorsiklo.

Agad naman kumilos ang mga pulis-Maynila at napag-alaman sa isang testigo na nasa loob ng Manila South Cemetery nagkukuta ang isang suspek kaya nakipagkoordina sila sa Makati Police Station 1 at tuluyang inaresto ang suspek.

Isa-isa nitong itinuro ang kanyang mga kasamahan at pati na rin ang bumili sa motorsiklo.

Matapos ang iproseso ang mga nahuli ay dinala ang mga ito sa Anti-Carnapping Unit sa MPD Heaquarters U.N. Avenue sa Ermita.

AUTHOR PROFILE