Ilegal ILLEGAL–Kinordon ng mga operatiba ng NBI ang lugar kung saan naaresto ang apat na katao matapos salakayin AT madiskubreng walang permit ang kanilang operasyon. Kuha ni Jon Jon Reyes

4 tiklo sa illegal quarrying

March 19, 2024 Jonjon Reyes 71 views

HINULI ng National Bureau of Investigation-Environmental Crimes Division (NBI-EnCD) ang apat na taong suspek sa illegal quarrying sa Antipolo, Rizal.

Ayon sa NBI-EnCD, naaresto sina Ronnie Nastor, Elly Cais, Marke Luna at Jundy Caiso bunsod ng kahilingan ng Department of Environment ang natural Resources-Mines and Geosciences Bureau region (DENR-MGB) IV-A na imbestigahan ang site na ino-operate ng isang Roy Padrelanan sa Brgy. San Jose, Antipolo City.

Wala umanong kaukulang permit at clearances ang site mula sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ng Rizal at DENR-MGB Region IV-A.

Nakumpirma ang illegal na operasyon ng quarrying sa nasabing barangay, ayon sa NBI.

Natuklasan na walang Mineral Production Sharing Agreement, Industrial Sand at Gravel Permit o Mineral Processing permit na ipinagkaloob kay Padrelanan.

Dahi dito, ipinag-utos ang cease and desist order mula sa PMRB laban kay Padrelanan dahil umano sa illegal extraction at disposition ng earth minerals sa lugar.

Ipinrisinta na sa City Prosecutor’s Office sa Antpolo, Rizal ang mga naaresto na lumabag sa Philippine Mining Act of 1995.

Kasama rin sa kinasuhan si Padrelanan at Christian Nastor na pinaghahanap pa ngayon.

AUTHOR PROFILE