Torso TITIG MUNA–Tinititigan ng mga miyembro ng Scene-of-the-Crime Operatives (SOCO) ang putol na katawan ng lalaki na nakita sa Brgy. Kaong, Silang, Cavite noong Lunes.

Naagnas na torso ng lalaki nakita sa Calax

March 19, 2024 Dennis Abrina 95 views

PNP1SILANG, Cavite–Palaisipan sa Silang police ang naagnas na hating katawan ng lalaki na walang ulo, braso at paa na natagpuan sa Brgy. Kaong sa Cavite-Laguna Expressway (Calax) noong Lunes.

Sa nakalap na ulat mula kay Police Captain Connie Susmerano ng Silang PNP, walang pagkakakilanlan sa bangkya na natagpuan dakong alas-6:40 ng gabi.

Nakabalot ng itim na garbage bag at may tattoo na ‘Hasmin’ sa kaliwang dibdib ang bangkay.

Inaalam na rin ng pulisya kung nagmula sa mga bala o saksak ang mga sugat ng bangkay.

May posibilidad na itinapon lamang ito sa nasabing lugar para iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

AUTHOR PROFILE