Default Thumbnail

10-ANYOS GINILITAN NG AMA!

March 19, 2024 People's Tonight 61 views

Suspek nagselos umano sa OFW na misis, nagpakamatay

NAGPATIWAKAL ang isang ama ng tahanan matapos na gilitan nito sa leeg at mapatay ang 10-anyos na anak nito Linggo ng gabi sa Davao City.

Nakilala ang nagpakamatay na ama na residente ng Sitio Quimasog, Barangay Marilog, Davao City.

Batay sa inisyal na ulat ng Davao City Police Office, dakong alas-11 ng gabi nang gilitan sa leeg ng suspek ang kanyang anak na si alyas Dodong.

Ang insidente ay nakita ng 16-anyos na anak ng suspek subalit hindi ito agad nakapagsumbong sa mga awtoridad dahil sa takot.

Ayon sa bata, nakita niya ang ama na initak sa leeg ang kanyang kapatid at makalipas ang ilang oras ay nagpakamatay din ang kanyang ama.

Sa inisyal na ulat, selos sa asawang nasa Saudi Arabia ang dahilan ng pagkabugnot ng suspek. Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

AUTHOR PROFILE