Default Thumbnail

4 Chinese fugitives nailigtas sa LP raid

July 3, 2023 Zaida I. Delos Reyes 176 views

APAT na Chinese fugitives ang kasama sa mga nailigtas na manggagawa sa ikinasang raid sa mga establishimento sa Las Piñas City nitong June 27, ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.

Aniya, batay sa record na ibinigay sa PNP ng kanilang Chinese counterpart, apat na Chinese nationals na wanted sa China ang kasama sa mga nailigtas.

Matatandaan na nitong June 27, ni-raid ng PNP Anti Cybercrime Group sa bisa ng isang search warrant ang isang compound sa Las Pinas na sinasabing kuta ng human trafficking.

Nasagib sa naturang raid ang 1,534 Pinoy at 1,190 foreign workers.

Nakatakdang i-turnover sa Chinese embassy ngayong Lunes ang apat na Chinese upang agad na maayos ang kanilang deportation.

Sa ngayon, patuloy pa aniya ang ginagawang documentation sa mga nasagip na manggagawa kabilang dito ang mga foreign workers.

Nahihirapan aniya sila dahil sa language barriers at kawalan ng kooperasyon ng mga manggagawa sa mga awtoridad.

Mayroong 17 foreign nationalities na kabilang sa mga na-rescue.

Mayroon narin aniyang kinatawan mula sa mga embahada ng China, Singapore, Thailand at Vietnam ang nakikipagtulungan sa PNP upang matulungan ang kanilang mga kababayan.