PCG

3 tripulante lapnos sa nasunog na speedboat

August 18, 2023 Zaida I. Delos Reyes 185 views

TATLONG tripulante ang nalapnos ang balat matapos na masunog at lumubog ang speedboat na sinasakyan nila malapit sa pier sa Zamboanga City.

Napag-alaman na ulan ng speedboat na Fadi Laminusa Express mula sa Tres Marias, Baliwasan seaside sa Zamboanga City ang mga biktima ng maganap ang insidente.

Magsasagawa sana ng sea trial ang speed boat nang mapansin ng isa sa mga tripulante na nagliliyab ang fuel tank at battery ng speedboat kaya’t agad silang humingi ng tulong sa PCG.

Napatay ang apoy dakong 3:30 ng hapon at nasagip ang mga tripulante bago pa lumubog ang barko may 300 metro ang layo sa Barangay Mariki, Zamboanga City.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.