Dizon PEACE–Nagpaalaala si MPD Director Police Brig. Gen. Andre P. Dizon sa kanyang mga pulis na panatilihing maayos at mapayapa ang lansangan ng buong siyudad. Kuha ni Jon Jon Reyes

3 jumper boys, 6 wiper boys timbog sa MPD

October 7, 2023 Jonjon Reyes 335 views

ANIM na “wiper boys” sa Sampaloc, Maynila at tatlong “jumper boys” sa Tondo ang tinimbog ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) mula Sept. 28 hanggang Oct. 5.

Nagsimulang mag-operate ang pulisya laban sa mga tinaguriang pasaway sa lansangan noong September 28 nang mabitag ang isang 23-anyos na jumper boy sa Tondo.

Nahulihan din ng baril ang inaresto kaya nahaharap pa sa paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code (Alarm and Scandal) at R.A 1601 (Comprehensive Firearms and Ammunition Law).

Ayon sa pulisya, noong Oct. 1 isa pang jumper boy na miyembro ng Sputnik Gang na nakatira sa Upper Smokey Mountain, Brgy. 128 Zone 10, Tondo, Manila kasama ang 16-anyos na binatilyo ang natimbog ng mga awtoridad.

Dalawang patalim na may habang 14 pulgada ang nakumpiska sa dalawang naaresto.

Sa mga pasaway naman na tinaguriang wiper boys, anim sa mga ito ang inaresto sa Sampaloc.

Iti-nurn over ang mga inaresto sa Manila Department of Social Welfare sa Fugoso Sports Complex sa Delpan, Tondo, Manila.

“This would be a stern warning to those who violate the law. Rest assured that we will not stop here.

We reaffirm our commitment to maintain peace and order of this city and further step up our campaign against criminality,” sabi ni MPD chief Brig. Gen. Andrei Dizon.

Lubos ang pasasalamat ng mga motorista kay Dizon sa pagka-kaaresto sa mga wiper at jumper boys.

AUTHOR PROFILE