bambi

3 Dragon talent management wards, pasok sa Miss Earth Philippines 2021

June 10, 2021 Ian F. Fariñas 769 views

bambi1bambi2CONGRATULATIONS sa celebrity make-up artist-friend naming si Bambbi Fuentes dahil tatlo sa mga alaga niya bilang presidente ng Dragon Talent Management ang pasok sa Miss Philippines Earth 2021.

Ito ay sina Riah Celestial de Ocampo, Chynna Kaye Verosil at Marvie Fernandez.

Si Riah, 26, ay mula sa Silay, Negros Occidental.

Isa siyang flight attendant at certified environmentalist. Involved si Riah sa iba’t ibang civic organization na nangangalaga kay Mother Earth.

Miyembro rin siya ng Rotaract Club, isang international youth program na nagpu-promote ng peace and international understanding.

Hindi na bago kay Riah ang pagsabak sa beauty pageant dahil siya ang kinoronahang Miss Silay City nu’ng 2012 at tinanghal na Miss Negros at Miss Organic 2013.

Si Chynna naman, 18, ay tubong-Bugallon, Pangasinan. Isa siya sa mga pinakabatang kandidata ng Miss Philippines Earth 2021.

Beauty and brains na maituturing, Grade 12 student si Chynna sa Phinma University of Pangasinan at kumukuha ng kursong Accountancy and Business Management.

Nagtapos siyang valedictorian at nangangarap maging iskolar sa kolehiyo.

Ilokana rin ang 25-year-old na si Marvie na taga-Urdaneta, Pangasinan. Gaya ni Riah, may experience na si Marvie sa pagsali sa beauty contests dahil siya ang hinirang na Bb. Urdaneta 2018.

Well travelled ang BS Tourism graduate na si Marvie bilang isang international line cook.

Samantala, katuwang ni Bambbi sa Dragon Talent Management sina Sander Andan (creative director) at businesswoman Tine Areola (COO).

Gusto rin nilang pasalamatan ang Bait Lehem House of Bread sa suportang ibinigay sa Dragon talents sa isinagawang Meet and Greet sa Cafe Lupe, Antipolo kamakailan.

AUTHOR PROFILE