Marian Rivera

Marian, nagparamdam na sa social media

June 11, 2021 People's Tonight 921 views

Marian RiveraMarian RiveraLUMANTAD na muli sa Instagram si Marian Rivera kahapon. May post siyang tila nasa beach habang naka-swim suit.

Sa nakaraang pahayag ng management team ni Yan na Triple A, recharge muna siya at hiatus sa social media.

Ibig sabihin, bakasyon muna siya sa socmed.

“Recharged thanks to mother nature. Happy Friday.

“P.S. I’m back!” saad ni Yan sa caption.

Samantala, sa Instagram naman ng asawa ni Yan na si Dingdong Dantes, may inilabas din siyang litrato kasama ang asawa at dalawang anak na sina Zia at Sixto habang nasa swimming pool.

“Sometimes all we have to do is pause, take a step back and see things from a different perspective. With HIS guidance, things will definitely become clearer!” caption ni Dong sa family pictures nila.

Tiyak na ngiting tagumpay na naman ang followers/netizens ni Marian at Dong sa pagbabalik nila sa Instagram.

MASALIMUOT NA KUWENTO

MASALIMUOT ang kuwentong tampok ngayong gabi sa fresh episode ng Magpakailanman.

Bida sa episode na Mahal Kita, Mahal Mo Siya sina Dion Ignacio, Maxine Medina at Arny Ross.

Kahit may pandemya, tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng fresh episodes ng #MPK na hinu-host ni Mel Tiangco. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE