Dizon Pinangunahan ni MPD Director Andre P. Dizon ang motorcycle patrolling operation sa iba’t-ibang lugar sa Lungsod ng Maynila para sa seguridad ng mga mamamayan lalo na sa oras ng uwian para sa pagresponde laban sa kriminalidad. Kuha ni Jon-jon Reyes

3 bebot na mandurukot timbog sa Liwasang Bonifacio

October 11, 2022 Jonjon Reyes 341 views

TATLONG babae ang natimbog ng mga opetatiba ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) nang makatawag pansin sa mga awtoridad ang pagsigaw ng tulong ng biktima sa Liwasang Bonifacio Monument sa Lawton, Ermita, Maynila, umaga nitong Martes.

Nakilala sa mga alyas na “Wendy “, 22; “Sharon Ann”, 37; at si “Analie”, 32, pawang residente ng Quiapo, Maynila.

Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng Manila Police District (MPD) SMaRT, bandang 7:45 ng gabi nang manghingi ng tulong ang isang saleslady, makaraang dukutan ito ng mobile phone na Sumsung Galaxy A7-1 na nagkakahalagang P22,990.

Kasalukuyan umanong nagsasagawa naman ng pagpapatrolya sina P/Cpl. Peter Joe Cruz, P/Cpl. Emerson Visperas, at Patrolman Ron Marc Jimenez nang makarinig sila ng “Mandurukot, mandurukot”, kaya agad silang umaksyon at naaresto ang tatlong babae habang nasa aktong hawak ng isa sa kanila ang mobile phone ng biktima.

Ayon pa kay Samonte, “round the clock” ang kanilang ginagawang patrolling operation para sa seguridad ng mga mamamayan lalo na sa oras ng uwian kung saan marami ang mga mananakay sa lansangan batay sa utos na rin ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon kung saan sila ay nagsasagawa naman ng motorcycle patrol operation sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE