Tolentino

2nd ROTC Games sisipa ngayon sa Bacolod City

May 25, 2024 People's Tonight 124 views

PANGUNGUNAHAN ngayon ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino ang pagbubukas ng Visayas Regional Qualifying Leg ng Philippine Reserve Officers ‘Training Corps (ROTC) Games na magtatapos hanggang Hunyo 1, 2024 sa Bacolod City.

Ang kumpetisyon sa taong ito na may temang “Husay ng ROTC, Husay ng Kabataan,” ay magpapakita ng mga pambihirang kasanayan at pagtatalaga ng ating mga kabataang Pilipino sa paglilingkod sa bansa.

Bilang honorary chairman ng ROTC Games, sinabi ni Tolentino na layon nitong bigyang-diin ang kahalagahan ng kompetisyon, hindi lamang bilang isang plataporma ng pagsasanay sa militar para sa mga kadete, kundi bilang isang channel patungo sa pagpapalakas ng pagiging makabayan.

Sa mahigit 3,000 atleta mula sa Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas na inaasahang makikilahok, ang kompetisyon ay nangangako na isang mahusay na pagpapakita ng talento, disiplina, at pagiging makabayan.

Ang mga mag-aaral na atleta ay makikihamok sa aquatic / swimming, arnis, athletics, boxing, e-sports, kickboxing, sepak takraw, taekwondo, table tennis, volleyball, basketball, target shooting, chess, at raiders competition.

Bilang karagdagan, magkakaroon ng paghahanap para sa Miss at Mister ROTC.

Ang Mindanao qualifying leg ay nakatakda namang ganapin sa Zamboanga City simula Hunyo 23 hanggang 29, habang ang Luzon qualifying leg ay gaganapin sa Indang, Cavite, mula Hulyo 28 hanggang Agosto 3.

Nakatakda naman ang national championships sa Agosto 18 hanggang 24, sa Indang, Cavite rin.

AUTHOR PROFILE