
200K shabu nalambat ng MPD
NABINGWIT ang isang suspek sa kalakaran ng droga ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 sa panulukan ng Nepumuceno at San Rafael St., Barangay 690, Quiapo, Manila Huwebes ng madaling araw.
Nakilala ang suspek na si alyas Lakay, may asawa, ng Sampaloc, Manila.
Batay sa isinumiting ulat ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU, kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander, nahuli ang suspek bandang 4:00 ng madaling araw sa naturang lugar.
Narekober kay Lakay ang 5 bultong shabu na nasa 40 gramo na katumbas ng P272,000.