Default Thumbnail

20 nagdemanda sa travel agency dahil sa fake booking

January 19, 2024 Melnie Ragasa-limena 212 views

AABOT sa 20 katao ang nagsampa ng kaso laban sa isang travel agency sa Quezon City dahil sa “fake booking.”

Sa report ni PLt. Col. Ferdinand Casiano, station commander sa Anonas Police Station, modus ng Fulham Road Travel Agency sa Unit 603, 6th Floor, D ‘Condo Place No 128 Maginhawa St., Teacher’s Village Quezon City na mag alok ng mababang travel bookings.

Ipakikita ang transaction sa social media platform at mababang offer at saka pipili ng ilang flights na papatuluyin upang masabi na lehitimo ang travel agency.

Limang empleyado ng nasabing travel agency ang inaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Article 315 at 316 ng Revised Penal Code (Syndicated Estafa).

Pinaghahanap naman ang mga may ari ng travel agency na sina Mark Wayne Chuck at Cacharel Celine Caniillo Collings Chuck.

Pinasok ng mga pulis ang nasabing travel agency dakong ala-1:35 ng hapon nitong Huwebes nang dumagsa ang mga complainant.

Ilan sa mga nagrereklamo ay ‘nakabook’ papuntang Boracay at Hong Kong pero nang kumpirmahin sa mga airlines, wala ang kanilang mga pangalan.

Sinabi ni Casiano na isang pamilya ang napurnada ang bakasyon sa Boracay nang malaman na wala silang booking bagamat nakapagbayad na ng P300,000.