Posas

Carnap suspek nasakote

January 19, 2024 Edd Reyes 125 views

TIMBOG ang 29-anyos na carnap suspek matapos matunton ng pulisya ang kanyang kinaroroonan noong Huwebes sa Las Piñas City.

Dakong alas-4:30 ng hapon nang ikasa ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Investigation Section (SIS) ng Las Piñas police ang pagtimbog alyas Rod matapos makumpirmang positibo ang tinanggap nilang impormasyon kaugnay sa kanyang pinagtataguan.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, nasakote ang akusado sa Brgy. Talon 4, Las Pinas City.

Dinakip ng pulisya si Rod sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Pia Cristina Bersamin Embuscado ng Branch 198.

AUTHOR PROFILE