Default Thumbnail

2 ‘tulak’ kulong sa P55K shabu

April 19, 2023 Steve A. Gosuico 361 views

CABANATUAN CITY – Dalawang “tulak” umano ng shabu ang natimbog sa isang buy-bust operation ng Cabanatuan police hatinggabi ng Miyerkules.

Ayon kay city police head Lt. Col. Warly C. Bitog, ang isang suspek ay isang tricycle driver, 22, ng Bgy. Padre Crisostomo, Cabanatuan City.

Inaresot ang suspek matapos magbenta sa isang operatiba ng shabu na may halagang P1,000 sa isang buy-bust operation sa Bgy. San Juan ACCFA dakong 12:30 ng madaling araw (Abril 19).

Samantala, inaresto rin ang kanyang kapwa tricycle driver na kasabwat umano matapos mahulihan ng isang plastic sachet ng shabu.

Sinabi ni Bitog, ang matagumpay na operasyon ay naisagawa sa atas ni Nueva Ecija top cop Col. Richard V. Caballero na puspusang paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga sa lalawigan.

Narekober ang aabot sa 8.20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P55,760.

Nahaharap ngayon sa kasong violation of Republic Act 9165 ang mga naarestong suspek.

AUTHOR PROFILE