Default Thumbnail

2 miyembro dedo sa rido sa Maguindanao del Sur

September 13, 2023 Zaida I. Delos Reyes 249 views

DALAWANG miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah (DI) ang nasawi matapos makipagbakbakan sa tropa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nitong Lunes sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan sa Maguindanao del Sur.

Ayon kay Philippine Army’s 601st Inftantry Brigade Commander Brig. Gen. Oriel Pangcog, ang bakbakan ay naganap sa pagitan ng grupo niMILF Commander Saga Malandag ng 118th Base Command at DI Group na pinamumunuan ni Commander Abdulnasser Guianid.

Aniya nagsimula ang bakbakan ay naganap dakong 5:00 ng madaling araw sa Barangay Mother Tuayan.

Tumagal ng halos isang oras ang bakbakan kung saan inabot pa ng ilang oras bago marating ng militar ang clash site kung saan natagpuan ang bagkay ng dalawang terorista.

Napag-alaman na matagal na ring sangkot sa rido ang dalawang pamilya na siyang naging sanhi ng bakbakan.

Wala namang sibilyan ang naiulat na nasaktan sa bakbakan dahil malayo ang pinangyarihan sa komunidad.

Isang grupo din ng sundalo na may kasamang armored personnel carriers ang ipinadala sa Barangay Mother Tuayan para maiwasan ang pagkalat ng karahasan.

Sa ngayon, sinabi ni Pangcog na inaasahan na nila na gaganti ang grupo ng mga terorista kung kaya’t nakaalerto na ang kanilang tropa.