Paihi

2 lalaki tiklo sa paihi

April 24, 2024 Jojo C. Magsombol 83 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Dalawang lalakI ang naaresto sa Batangas dahil sa pagbibiyahe ng halos 2,000 litro ng diesel at gasolina ng walang permit noong Martes sa Brgy. San Pedro, Bauan, Batangas, ayon kay Batangas police director P/Col Samson Belmonte.

Inaresto sina alyas Teodolo at alyas Glen, kapwa residente ng Balayan, Batangas, ayon kay Bauan police chief P/Lt. Col. Nestor Cusi.

Bandang alas-12:50 ng madaling araw dinala ng mga pulis ang dalawang suspek sa Bauan police station dahil sa iligal na pagbibiyahe ng mga produktong petrolyo.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang i-flag down ang puting Kia van (XJZ 247) na nakarehistro sa SOS Children’s village, Lipa City.

Nang siyasatin ang sasakyan, nakita ang mga kargang mga produktong petrolyo na walang valid/legal permit kaya inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa dalawa ang isang 2D tank na puno ng 925 litro ng diesel, isang 2D tank na puno ng 925 litro ng gasolina na may halaga na P105,450.

AUTHOR PROFILE