Kulong

2 estafa suspek himas rehas sa MPD

August 18, 2023 Jonjon Reyes 313 views

HIMAS rehas ngayon sa Manila Police District ang dalawang dalaga, kabilang ang isang estudyante, nang maaresto dahil sa estafa sa Vicente at A. H. Loyola St. sa Sampaloc at sa Ermita, Manila noong Huwebes.

Nakilala ang mga suspek sa alyas “Lyn,” ng M.Dela Fuente Street, Sampaloc at alyas “Trish,” 20, college student ng San Ildefonso,Bulacan.

Unang inaresto ang estudyante ng bandang 10:00 ng umaga sa panulukan ng San Marcelino at Natividad Lopez Sts. sa Ermita, Manila.

Natimbog naman ang isang suspek ng mga operatiba ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, Station Commander, ng Sampaloc Police Station 4, bandang 2:30 ng hapon sa Brgy 453 Zone 45, Vicente St., corner Loyola, Sampaloc, Manila.

Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Mirando Jr., hepe ng DIDM-MPD, nahuli ang mga suspek sa bisa ng mga warrants of arrest.

AUTHOR PROFILE