Kulong

Host-comedian sa selda magpapatawa

August 18, 2023 Jonjon Reyes 257 views

SWAK sa selda ng Jose Abad Santos Police Station 7 ng MPD ang isang suspek dahil sa acts of lasciviousness matapos maaresto sa harap ng bahay nito sa Hermosa St., Tondo, Manila Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, Station Commander, ang suspek na si alyas “Jeff,” 41, isang host- comedian, ng Hernosa St., Tondo Manila.

Base sa ulat ni Police Captain Joan Dorado, hepe ng Warrant and Intel Section, bandang 12:25 ng tanghali nang arestuhin ang suspek sa bisa ng arrest warrant galing kay Phrincess Ma Bajarias-Hermoso ng Family Court, Branch 6 ng Maynila.

AUTHOR PROFILE