Default Thumbnail

2 dyip nagsalpukan sa QC, 13 sugatan

April 17, 2023 Melnie Ragasa-limena 147 views

SUGATAN ang 13 katao matapos na magbanggaan ang dalawang pampasaherong dyip nitong Lunes ng umaga sa Quezon City.

Sa report Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4, nangyari ang insidente sa Barangay Kamuning bandang 7:30 ng umaga.

Ayon sa traffic investigator, nagsalpukan ang dalawang dyip sa kanto ng Kamuning Road at Judge Jimenez Street.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumagilid ang isa sa mga dyip na nagresulta sa pagkakasugat ng 13 pasahero.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatang pasahero.

Ayon sa karagdagang ulat, mabilis umano ang pagpapatakbo ng tsuper ng tumagilid na dyip.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang tsuper ng nadisgrasyang dyip.